Beda pinasuko ang Generals

Jacob Cortez.

MANILA, Philippines — Pinabagsak ng San Beda University ang Emilio Aguinaldo College, 86-72, para manatili sa second place sa pagtiklop ng first round ng NCAA Season 99 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Centre sa San Juan City.

Ang ikaapat na sunod na pananalasa ng Red Lions ang nagbigay sa kanila ng 6-1 record sa ilalim ng na­ngungunang Mapua Car­dinals (7-1).

Kumamada si point guard Jacob Cortez ng 17 points habang may pinagsamang 25 markers sina big men Jomel Puno at Yulkien Andrada.

May 5-4 baraha ang Generals na nakahugot kay Ralph Robin ng 22 points.

Sa third period kuma­wala ang San Beda sa likod nina Cortez, Puno at Andrada para iwanan ang EAC sa fourth quarter patungo sa kanilang panalo.

Nalimitahan ng Red Lions si Generals’ top player JP Maguliano sa apat na puntos mula sa malamyang 2-of-9 field goal shooting.

Samantala, tinalo ng College of St. Benilde ang ‘three-peat’ champions Letran, 68-55 tampok ang 15 points, 6 rebounds, 6 assists at 1 block ni Miguel Oczon.

Itinaas ng Blazers ang kanilang baraha sa 5-4 at pinabagsak ang Knights sa 1-8.

Show comments