Filipinas U17 gumawa ng kasaysayan

MANILA, Philippines — Matapos ang Philippine women’s football team, ang national under-17 squad naman ang gumawa ng kasaysayan matapos makakuha ng tiket para sa 2024 AFC Under-17 Women’s Asian Cup.

Tinakasan ng Filipinas Under-17 team ang host Vietnam, 1-0, sa huling laro sa second round ng qualifiers  sa Vietnam Football Federation Training Center sa Hanoi.

Nakuha ng mga batang Pinay booters ang 2024 Asian Cup berth sa kanilang pagtatapos sa ikalawang puwesto sa Group B.

Ang goal ni Isabella Preston sa 56th minute ang tanging iskor sa nasabing laro.

Makaraang mabigo sa Australia, 2-6, ay pinadapa ng mga batang Filipinas ang Bangladesh, 3-1, para itakda ang kanilang do-or-die match ng Vietnam na kailangan lamang ng draw para makopo ang Asian Cup title.

Show comments