NU sasalang sa SSL Season 2 debut laban sa UE

MANILA, Philippines — Sisimulan ng National University ang pagdede­pen­sa sa korona sa pagsa­gupa sa University of the East sa Shakey’s Super League (SSL) Collegiate Pre-Season Championship Season 2 sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan.

Nakatakda ang bakba­kan ng Lady Bulldogs at Lady Warriors sa Pool A nga­yong alas-5 ng hapon.

Winalis ng NU ang inau­gural SSL season noong na­karaang taon.

Tinalo naman ng UE ang Jose Rizal University, 25-14, 25-21, 25-19, sa pag­bubukas ng SSL.

Sa alas-12 ng tangha­li ay magkikita ang NCAA back-to-back champions St. Benilde at Letran sa Pool C at maghaharap sa alas-2 ng hapon ang Far Eastern University at Emilio Aguinaldo College sa Pool D para kumpletuhin ang triple-header.

Show comments