Bornea nabigo sa misyon kay Martinez

Hindi na nakapalag si Pinoy challenger Jade Bornea kay Argentinian champion Fernando Martinez sa kanilang title fight
Showtime photo

MANILA, Philippines — Nakalasap si Pinoy challenger Jade Bornea ng isang 11th-round loss kay world super flyweight champion Fernando Martinez ng Argentina kahapon sa Armory sa Minneapolis.

Ito ang unang kabigu­an ng 28-anyos na si Bornea sa kanyang 19 laban, habang dumiretso ang 31-anyos na si Martinez sa pang-16 sunod na pana­lo tampok ang siyam na knockouts.

Matagumpay na naidepensa ni Martinez ang suot na International Boxing Fe­­deration (IBF) super fly­weight crown na inagaw niya kay dating PInoy titlist Jerwin Ancajas noong Peb­rero ng 2022.

Hindi naiganti ng tubong General Santos City ang kababayang si Anca­jas na natalo rin kay Marti­nez sa kanilang rematch no­ong Oktubre.

Itinigil ni referee Charlie Fitch ang laban nina Bornea at Martinez sa dulo ng round 11 kung saan du­guan na ang kanang tenga ng Pinoy fighter.

Pagdatng sa round 11 ay nirapido ni Martinez ng right hand si Bornea na nagtulak kay Fitch para tu­lu­yan ang ihinto ang laban.

Samantala, pinaluhod ng 31-anyos na si Ancajas (34-3-2, 23 KOs) si Wilner Soto (22-13-0, 12 KOs) ng Co­lombia sa fifth round sa kanilang eight-round, non-title super bantamweight fight.

Dalawang matigas na bo­dy shots ang pinadapo ni Ancajas sa bodega ng Colombian na nagpaluhod dito at hindi na nakatayo.

Show comments