Gilas ikakasa ang semis vs Singapore

Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes
FIBA.

MANILA, Philippines — Matamis na resbak ang tangka ng Gilas Pilipinas ngayon kontra sa Singapore upang manatiling nasa kontensyon ng 32nd Southeast Asian Games men’s basketball tournament sa Morodok Techo Stadium Elephant Hall 2 sa Phonm Penh.

Nakatakda ang kru­syal na duwelo sa alas-12 ng tanghali kung saan kinakailangan ng Nationals na makaiskor ng panalo upang makapasok pa rin sa Final Four ng torneo at mapanatiling buhay ang hangaring makuha uli ang gintong medalya.

May 1-1 kartada ang Gilas sa Group A matapos ang 94-49 panalo kontra sa Malaysia at 79-68 na kabiguan laban sa Cambodia tampok pa ang gulo sa dulo nang tumawag ng timeout ang Cambodia coach na si Marcus Savaya kahit pa sigurado na ang panalo.

“It’s something that we can learn on and move on. We go to the next game and then, prepare for the knockout semifinals,” ani coach Chot Reyes.

Paborito ang Gilas kontra sa Singapore na may 0-2 kartada matapos tumiklop kontra sa Cambodia, 85-60 at Malaysia 93-70.

Kung mananalo kontra Singapore, papasok bilang No. 2 team ang Gilas sa knockout semifinals laban sa No. 1 team ng Group B na namumurong maging Indonesia, na siyang reig­ning gold medalist.

Samantala, lumabo ang three-peat na misyon ng Gilas women matapos tumiklop sa pinalakas na Indonesia, 89-68.

Show comments