Pinay jiu-jitsu fighter nasungkit unang ginto ng 'Pinas sa Cambodia SEA Games

Litrato ni Kaila Napolis
Released/Phililippine Sports Commission

MANILA, Philippines — Matagumpay na nakuha ng isang Pinay ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa ika-32 Southeast Asian Games matapos siyang mamamayagpag sa Jiu-Jitsu Women's Ne-waza Nogi -52kg event sa Cambodia.

Masaya itong ibinalita ng Philippine Sports Commission ngayong Huwebes habang patuloy na nakikipagtagisan ang mga Pinoy sa mga kapwa Asyano sa Phnom Penh.

"Congratulations Kaila Napolis for giving Team Philippines its first gold medal at the 32nd SEA Games in Jiu Jitsu Women's Ne-waza Nogi -52kg event against Cambodia’s Jessica Khan today at Chroy Changvar Convention Center!" wika ng PSC ngayong hapon.

 

 

Ngayong araw lang din nang sabay makuha ng Team Philippines ang bronze medal sa #Cambodia2023 matapos ipamalas nina Harvey Navarro at Karl Navarro ang kanilang husay sa Jiu-Jitsu Men’s Duo event kanina. 

Kamakailan lang nang matalo ang Philippine women's national football team sa SEA Games opener laban sa Myanmar sa puntos na 1-0.

Show comments