Baluyot, Jones wagi sa URCC 84 Rage

MANILA, Philippines — Tinalo ni jiu-jitsu expert Eros Baluyot si Elouie Fe­deric Sevilla sa kanilang ma­dugong laban sa Uni­ver­sal Reality Combat Championship (URCC) 84 Rage noong Martes ng gabi sa Xylo sa Palace sa BGC, Taguig City.

Ginamit ng tubong Pa­rañaque City na si Baluyot ang kanyang matinding stri­king at wrestling skills pa­ra kunin ang unanimous decision win laban kay Sevilla sa kanilang flyweight match.

May 2-0 record ngayon ang 30-anyos na si Baluyot na sumalang sa training camp sa Baguio City.

Ito ang ikaapat na kabiguan ni Sevilla sa 10 laban.

Samantala, tinapos ni Ma­riano Jones ang 12-year MMA career ni Arvin Chan matapos umiskor ng kimura submission lock sa huling 3:45 minuto ng se­cond round ng kanilang welterweight battle na pinanood nina URCC president Alvin Aguilar at GM Aleks Sofronov.

Hindi natakot ang Costa Rican na si Jones (2-0) sa pamatay na striking skills ni Chan (8-10) para ilista ang panalo.

Ilang beses ibinalibag ng 26-anyos na tinguriang “Hitman” si Chan.

Ang fight card ay si­nak­­sihan ni Games and Amusement Board (GAB) chairman Atty. Richard Clarin at sinuportahan ng most trusted online casino sa bansa na Nuebe Gaming ka­tuwang ang Vietnamese Highlands Coffee.

Tinakasan ni Marianne Mariano si Jomary Torres via split decision sa wo­men’s strawweight bout.

Dinaig ni Denzel Dimaguila si Marvin Dela Cruz via rear naked choke sa 1:14 minuto ng first round ng flyweight bout at pinasu­ko ni Rhino Casipe si Jeffrey Subla sa 3:06 via rear naked choke sa first round ng flyweight bout.

Show comments