COPA nakipagtambal sa Speedo para sa programa

Pinirmahan nina COPA president at Batangas 1st District Rep. Eric Buhain, Speedo Philippines Vice President for Operations Manish Mahtani at COPA treasurer Chito Rivera ang sponsorship deal.
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Pinatibay ng Congress of Philippine Aquatics, Inc. (COPA) ang hangaring mas pa­lawigin ang naabot ng kanilang programa para sa kaunlaran ng swimming sa grassroots level sa pakikipagtambal sa Speedo.

Pormal na sinelyuhan nina COPA president at Batangas 1st District Rep. Eric Bu­hain at Speedo Philippines Vice-President for Operation Manish Mahtani ang sponsorship deal sa Speedo outlet sa BGC High Street sa Taguig City.

“Malaking bagay ito. I’m sure ito ay umpisa lamang ng partnership. Lalong mabubuhay ang swimming lalo na sa mga probinsiya,” sabi ni Buhain na isang Olympian at Philippine Sports Hall-of-Famer sa kasunduan nila ng Speedo.

Naging madali para sa Speedo ang desisyon na makipagtambal sa COPA para sa kapakanan ng mga batang swimmers.

“COPA as I see it has the most credible grassroots sports program. Speedo has been around for 34 years and we’re focusing also on grassroots development which is very similar with COPA’s advocacy,” wika naman ni Mahtani.

Sinabi ni COPA board member at treasurer Chito Rivera na  mula nang mabuo ang gurpo noong 2020 ay  naorganisa at naitatag na sa may 70% ng regionalization program nito kung saan ang natitirang 30% na katumbas ng limang rehiyon (region  2, 9, 4B, BARMM at CARAGA) ang kasalukuyang inaaayos na.

Para sa taong ito ay inilunsad ng COPA ang kanilang programa sa mga probinsya sa pamamagitan ng mga serye ng torneo sa Region 10, habang nakatakda na ang mga aktibidad sa Davao, Bacolod at Ormoc City sa Leyte sa susunod na buwan.

Show comments