Laura Elorde pararangalan sa Banquet of Champions

MANILA, Philippines — Bibigyan ng mahalagang pagkilala ang namayapang si Philippine boxing matriarch Laura Elorde sa isang special program sa Gabriel ‘Flash’ Elorde 23rd Boxing Awards Banquet of Champions sa Sabado sa Okada Manila Grand Ballroom sa Parañaque City.

Pumanaw ang asawa ni ‘Flash’ noong Mayo ng 2020 at ikinunsiderang utak ng Banquet of Champions na nagbabalik matapos ang tatlong taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Pararangalan din sina multiple world champions Nonito Donaire Jr. at Luisito Espinosa sa nasabing gala night na dadaluhan ni boxing legend at dating Senator Manny Pacquiao, gagawaran ng Special Award of Distinction kasama si Donaire.

Bukod kay Laura Elorde ay bibigyan din ng posthumous award sina dating Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary-general at Southeast Asian Games medalist Roger Fortaleza at one-time world title challenger Roberto ‘Toto’ Landero.

Kikilalanin din ang mga dating world champions kabilang sina Jerwin Ancajas at Johnriel Casimero.

Show comments