Nag-reunion ang mga members ng Toyota Tamaraws para i-celebrate ang 50th anniversary ng kanilang pagsasama.
Yes, 1973 noong unang sumali ang Toyota sa MICAA bago naging pioneer member ng PBA noong 1975.
Iconic team ang Toyota dehins lang sa PBA kundi sa Philippine basketball in general. Sabi nga nila noong araw, dalawa lang ang klase ng basketball fans dito: Either Toyota or Crispa fans.
Isipin mo naman, meron kang Robert Jaworski, Ramon Fernandez, Francis Arnaiz, Abe King at Arnie Tuadles.
Marami pang iba gaya nila Rino Salazar, Emer Legaspi, Ompong Segura, Gil Cortez, Oscar Rocha at Terry Saldana.
And of course, si Dante Silverio ang coach.
Maraming dumalo sa reunion. Nag-kantahan ang Tamaraws. Humirit pa ng Beatles songs.
Meron din dehins nakadalo gaya ni Jawo.
May sakit kasi ang idol natin. Kaya pumunta ang kanyang anak, si Pasig City Vice Mayor Dodot, kasama ang anak nito na naka-Jaworski jersey.
Nag-alay ng prayers ang team members.
I’m sure gustong dumalo ni Jawo. Alam naman natin lahat na dehins kumpleto ang Toyota kung wala sya.
But that’s life. Naging masaya pa rin naman ang reunion at golden anniversary ng Toyota Tamaraws.
Sabi ni Fernandez, “Sana hindi na matapos ang gabi.”