Nicholson, Bay Area team tuluy-tuloy ang ensayo

Andrew Nicholson
STAR/File

MANILA, Philippines — Hindi uso ang pahinga para kay NBA veteran center Andrew Nicholson.

Lalo na kung hangad ng guest team na Bay Area na talunin ang Barangay Gi­nebra para makopo ang korona ng 2022 PBA Commissioner’s Cup.

“We’ll just keep the momentum and we’ll just continue to practice,” sabi ng 6-foot-10 na si Nicholson.

Humakot si Nicholson ng 30 points at 15 rebounds at may 25 markers si Zhu Songwei para banderahan ang 99-82 pagresbak ng Dra­gons sa Gin Kings sa Game Two noong Miyer­ku­les.

Itinabla ng Bay Area sa 1-1 ang kanilang best-of-seven championship series ng Ginebra.

Mababasag ito sa Game Three sa Enero 4 sa MOA Area sa Pasay City.

Sinabi ni Nicholson, da­ting back-up ni center Dwight Howard sa Orlan­do Magic, na malayo pa ang serye at marami pang puwedeng mangyari.

“The series is not over yet. Five more games in the series left, and we’ll see what happens,” wika ng Ca­nadian big man.

Ang 17-point win ang unang panalo ng Dragons sa kanilang tatlong pagtutuos ng Gin Kings.

Tinalo sila ng Ginebra sa eliminations.

Inaasahan ni Nicholson na mas lalo pang magiging pisikal ang Game Three kung saan muli siyang babantayan ni 6’8 Fil-German Christian Standhar­dinger.

“It is what it is. You get what you get, and we’re not really focus too much on that,” ani Nicholson. “We’re just focus on the game plan, and translate what we’re doing in practice into the game.”

Hangad ng Bay Area na maging ikalawang fo­reign team na naghari sa PBA matapos ang Nicholas Stoodley noong 1980 In­vi­tationals.

Show comments