Gustong labanan ni Manny Pacquiao ang mga siga ng welterweight division na sila Terence Crawford at Errol Spence Jr.
Kaya pa kaya niya?
‘Yan ang big question na hinaharap ni Pacquiao na nag-celebrate ng 44th birthday niya kahapon.
Sila Crawford at Spence di hamak na mas bata – 35 at 32 years old. Pwede sabihing nasa peak ng career.
Parang Pacquiao 10 years ago ang mga kundisyon.
Lumaban si Pacquiao last week sa exhibition match sa isang South Korean martial arts expert at YouTube star.
Natural, nanalo si Pacquiao.
Nag-ensayo rin si Pacquiao pero tumimbang ng mahigit 160 pounds. Lampas 170 si DK Yoo dahil wala naman weight limit para sa six-round fight na two minutes per round.
Ang naisip ko lang eh kung nag-ensayo na si Pacquiao ng maayos, bakit 160 pounds pa rin siya?
Baka mamaya, ‘yun na ang timbang niya. Natural sa boxer na habang tumatanda, bumibigat.
Baka mapiga nang husto si Pacquiao.
Isa pa, taglay pa kaya niya ang dating bilis at lakas? Kung hindi, baka pupugin siya nila Crawford.
Nag-retire last year si Pacquiao para tumakbo bilang president at matapos matalo kay Yordenis Ugas.
Ngayon, gusto niya ulit lumaban.
Sana ‘wag na.