Biado sumemplang sa 4th place

MANILA, Philippines — Bigo si world pool champion Carlo Biado na ma­ide­pen­sa ang kanyang men’s 9-ball crown matapos matalo kay Joshua Filler ng Germany, 8-11, sa se­mifinals sa World Games sa Birmingham, Alabama.

Hindi nakawala ang 31st Southeast Asian Games champion nang mag­tabla sa 6-6 ang ka­ni­lang laban ni Filler matapos ang scratch sa 2-9 combination.

Sinamantala ito ng German at nilimas ang lamesa pa­tungo sa pagpasok sa finals.

Matapos ang kabiguan ni Biado, ang 2017 World Games gold medalist, ay na­talo naman siya kay Aloy­sius Yapp ng Singa­pore, 8-11, sa bronze me­dal match.

Nagtapos lamang si Biado sa fourth place.

Sa duathlon, tumapos naman si Fil-Spaniard Fer Ca­ser­es sa No. 14 sa kanyang iti­nalang isang oras, 53 mi­nuto at 57 segundo.

Nagkaroon ng disqualification si Kim Mangro­bang sa women’s side makaraan ang kalituhan sa technical course dahil sa palpak na pag-organisa sa event.

Nakatakdang sumabak sina Mangrobang at Case­res sa mixed relay event.

Show comments