MANILA, Philippines — Malabong makalaro si Fil-Am guard Remy Martin para sa Gilas Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup na idaraos sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) assistant executive director Butch Antonio dahil pa rin sa patakarang ipinatutupad ng FIBA.
Base sa rules and regulations ng FIBA, kailangang nakakuha ng passport sa bansang kanyang nais katawanin ang isang indibidwal bago tumuntong sa edad na 16-anyos.
Sa kaso ni Martin, nakakuha siya ng Philippine passport noong 16-anyos na siya.
Kaya naman maituturing si Martin na naturalized player sa isang FIBA-sanctioned tournament kagaya ng pagturing sa iba pang Fil-foreign players na may parehong sitwasyon.
Nauna nang nagpahayag ng intensiyon si Martin na maging bahagi ng Gilas Pilipinas para sa mga international competitions.
Subalit matatagalan ito.
Mismong si SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan na ang lumiligaw sa pamunuan ng FIBA upang magluwag sa patakaran.