MANILA, Philippines — Kung hindi mareresolbahan ang isyu nina national pole vaulter Ernest John Obiena at athletics chief Philip Ella Juico ay posibleng pumasok sa eksena ang international athletics federation.
At ang maaaring parusa ng International Association of Athletics Federation (IAAF) ay ang suspensyon sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) bilang miyembro.
“Depende na iyan doon sa international federation nila but with the regards to POC, NOC wala,” wika ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino. “Pero sila, puwede silang hindi ma-recognize, puwede silang ma-sanction (ng IAAF).”
Pumayag na sina Obie-na at Juico na pumasok sa isang mediation process na pamumunuan ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez sa ha-ngaring masolusyunan ang kanilang sigalot.
Noong 2005 ay sinuspinde ng FIBA, ang international basketball federation ng Pinas sa pag-lahok sa lahat ng kanilang sanctioned tournaments dahil sa girian ng POC na nasa ilalim noon ni Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr., at ng Basketball Association of the Philippines (BAP).
Matapos ang dalawang taon ay nabuo ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kapalit ng BAP para bawiin ng FIBA ang suspensyon.