Frontliners saludo sa Filipino athletes

Sina Frontliners Partylist first nominee Jayke Joson at Miss World Philippines Tracy Maureen Perez
STAR/File

MANILA, Philippines — Sinaluduhan ng party-list candidate na Frontliners ang mga national athletes dahil sa pagbibigay ng pag-asa at inspirasyon sa sambayanan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Inihalintulad ng Frontli­ners ang mga atleta sa mga duktor, nurse, pulis at sundalo na handang magsilbi sa bansa anumang oras, lugar at sitwasyon.

“While our doctors and nurses are so busy saving lives at the height of the pandemic, our athletes have lifted the spirit of the entire nation especially during the Tokyo Olympics when we won our first ever gold medal in the Olympics,” sabi ni Frontliners first nominee Jayke  Joson.

Si Joson, isang dating actor at kilalang film producer, ay sasabak sa May election para tumakbo sa isa sa 63 party-list seats

“The Olympic gold medal victory of weightlifter Hidilyn Diaz last July, as well as the silver medals of boxers Carlo Paalam and Nesthy Petecio, and bronze medal of Eumir Felix Marcial have motivated around the country the million frontliners to work very hard and keep their faith to God.” ani Joson.

Itinuturing din ni Joson ang mga national athletes bilang mga frontliners.

Nagsumite na ang Frontliners Party-list ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) sa Commission on Election (Comelec) noong Huwebes sa Sofitel tent.

Show comments