MANILA, Philippines — Ang livelihood programs para sa mga dating atleta at pension naman sa mga retiradong professional boxers.
Ito ay ilan lamang sa mga gustong maisakatuparan ni Games and Amusements Board (GAB) chairman Abraham ‘Baham’ Mitra sa ilalim ng kanyang liderato.
“Sa ngayon po kasi wala tayo niyan. Hindi pa kaya ng budget ng GAB,” wika ni Mitra kahapon sa ‘Usapang Sports’ via Zoom ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS).
“Hopefully, next year. Sabi ko nga po, we don’t need a boxing commission Idagdag ninyo na lang sa GAB iyong pondo, mas marami tayong magagawa,” dagdag nito.
Magdaraos ang GAB ng 3rd Professional Sports Summit via Zoom sa Setyembre 29 na ayon kay Mitra ay magsisilbi niyang SONA (State of the Nation Address).
“Marami tayong nagawa at naisakatuparan para sa atletang Pinoy at sa professional sports. Sa pagtutulungan po ng ating Board at Division head, nakaagapay tayo sa gitna ng pandemic,” ani Mitra.
Sa nasabing Sports Summit ay inimbitahan ng GAB bilang mga resource speakers sina Sen. Bong Go, Sherwin Gatchalian, Joel Villanueva at Pia Cayetano.
Samantala, bumili ang GAB ng hematoma screening test machine para kaagad masuri ang kondisyon ng mga pro boxers at combat sports fighters matapos ang kanilang laban.
Mahalagang mga programa isusulong pa ni Mitra
RCadayona