MANILA, Philippines — Isang House Bill ang isinusulong ni Deputy House Speaker Rep. Eric Martinez para mabigyan ng karapat-dapat na rekognisyon ang mga Pinoy Olympians.
Naisumite na ni Martinez, kinatawan ng 2nd District ng Valenzuela, ang Philippine Olympian Memorial Act at kumpiyansa siyang susuportahan ito ng mga kapwa niya Kongresista.
“Malaki ang chance natin in the nearest time it will draw support,” sabi ng Congressman sa online session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon.
Hindi lamang ang 14 Pinoy athletes na kumolekta ng medalya sa Olympics ang pararangalan sa nasabing House Bill.
“We will immortalize and memorialize all those Olympians since 1924 of David Nepomceno’s time up to this batch of the Tokyo Olympics. It’s around 300 or 400,” ani Martinez.
Kasama sa panukala ang pagtatayo ng Olympic Museum sa New Clark City sa Capas, Tarlac, pagsasama sa school curriculum at sports tourism.
“We should never forget Lydia De Vega, a two-time Olympian. We should never forget Caloy Loyzaga, how about Mona Sulayman and those other not so popular names but contributed in bringing honor and glory to this country,” ani Martinez. (