NEW YORK — Inihayag kahapon ng Knicks ang muling pagpirma ng kontrata sa kanila ni star guard Derrick Rose.
Nilagdaan ng 32-anyos na 13-year veteran ang three-year, $43 million contract para manatili sa New York na nahugot sa Detroit Pistons noong Pebrero.
“Derrick’s arrival last season played a major role in our team’s success and the culture we instilled,” ani Knicks President Leon Rose.
Tumipa ang No. 1 overall pick ng Chicago Bulls noong 2008 NBA Draft ng mga averages na 14.9 points at 4.2 assists sa 35 games sa nakaraang kampanya ng Knicks.
Bukod sa Knicks, Pistons at Bulls, naglaro rin si Rose para sa Cleveland Cavaliers at Minnesota Timberwolves.
Makakasama ni Rose sa Knicks ang mga bagong hugot na sina guards Kemba Walker at Evan Fournier na parehong nagmula sa Boston Celtics.