Zamboanga, Roxas bakbakan uli sa 2nd round semis

MANILA, Philippines — Naisaayos ng Zam­boanga City at Roxas ang pagtutuos sa second phase ng semifinals matapos pataubin ang kani-kanyang karibal sa Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga del Sur.

Sumandal ang Zam­boanga City sa solidong laro nina Mac Mac Cardona at Fran Yu para makuha ang 95-93 overtime win sa second seed Clarin.

Nakalikom si Yu ng kabuuang 21 puntos kasama pa ang walong assists, apat na rebounds at tatlong steals.

Winalis ng Zamboanga ang best-of-three semifinals nito laban sa Clarin (2-0).

Sa kabilang banda, iginupo ng Roxas ang Pagadian, 67-61 para makuha ang 2-0 sweep sa kanilang sariling best-of-three semis.

Show comments