Vaccinated na ang national athletes!

Sa pamumuno ng Philippine Olympic Committee (POC) nagsimula na ang COVID-19 vaccination para sa athletes, coaches, officials, at journalists na sasabak sa Tokyo 2020 Olympics at 2021 Southeast Asian (SEA) Games noong Biyernes, May 28 na ginanap sa Manila Prince Hotel.

Nakatanggap na ng first dose anti-COVID vaccine ang delegates bound for the competitions that were mentioned above.

Salamat sa POC dahil napa-aprubahan nila sa IATF ang vaccination naming mga atleta. Saludo kay POC president Abraham “Bambol” Tolentino na isa sa mga umasikaso ng proyektong ito. Siyempre kasama rin ang partisipasyon ng NSAs na siyang nagsumite ng listahan ng mga players at coaches sa POC. Masaya ang mga atleta dahil nabigyan ng prioritasyon ang delagates na sasabak sa internasyunal na mga kompetisyon ngayon taon.

Mabilis ang proseso ng vaccination. Pagkatapos maturukan ay nilalagay sa holding area for 15 minutes upang obserbahan. Nagsimula ang vaccination ng 9am­ at natapos ng 4pm. Madaming tao ngunit pakiramdam ko ay safe naman ako dahil pinanindigan ang social distancing o hindi pagdidikit-dikit. Naka tracksuit ang mga atleta at coaches habang suot ang kani-kanyang face shield at mask. May mga atleta namang nakasuot ng PPE upang higit na maprotektahan.

Idineklara ng Vietnam SEA Games organizers na “no vaccine, no participation” policy. Mahigpit na ipapatupad ito mula November 21 hanggang December 2 sa Hanoi. Kaya naman maaga pa lang ay magandang na-vaccine na kami.

This time, looking forward na kaming lahat  sa bubble training para makapaghanda sa international competitions this year.

Show comments