Walang nakakaalam kung ano ang hatid ng taong ito para sa atin kaya anumang oportunidad ang ihain sa atin, tatanggapin natin.
May ilang mga manlalaro sa PSL at PVL ang nagpasya nang umalis sa kanilang team at lumipat sa iba. Ilan sa balitang-balita ngayon ay sina Cherry Nunag at Jeanette Panaga na mula sa PetroGazz.
Si Nunag ay nakiisa na sa team Perlas Spikers habang si Panaga naman ay makikipagtagisan ng galing kasama ang Creamline Cool Smashers sa susunod na Conference ng PVL ngayong darating na Abril. Sa katunayan ay marami pa akong naririnig na mga manlalarong lilipat ng ibang teams ngunit hindi ko pa natitiyak ang mga ito.
Napapabalita ngayon sa maraming fan pages ang usapin na ilan sa mga manlalaro ng Petron at Generika mula sa PSL ay magsisilipatan na sa PVL tulad nina Cess Molina, Aisa Maizo-Pontillas, Remy Palma at Rhea Dimaculangan. Ang Petron at Generika ay namaalam na sa PSL na magpapaliban na muna sa darating na All-Filipino Conference 2021 ngayong Marso.
Hindi natin maaaring ipagkait sa mga manlalarong katulad nila ang oportunidad na ihahain ng iba pang team bilang nawalan na nga sila ng koponan na paglalaruan sa PSL. Anumang team ang lipatan ng mga atletang ito ay ipagpatuloy na lamang natin ang ating suporta at ipagdasal ang kanilang kaligtasan sa bawat laban o larong kakaharapin.