Pacquiao inihalintulad kay Muhammad Ali

Inihalintulad pa nito ang Pinoy champion kay le­gendary boxer Muhammad Ali na isa sa may pinaka-maningning na karera sa boxing history.

Thurman hanga sa Pinoy champion

MANILA, Philippines — Hangang-hanga si da­ting world champion Keith Thurman kay eight-division world champion Manny Pacquiao na tunay na li­ving legend sa mundo ng boksing.

Inihalintulad pa nito ang Pinoy champion kay le­gendary boxer Muhammad Ali na isa sa may pinaka-maningning na karera sa boxing history.

“Pacquiao, he lived the Muhammad Ali life. You win some, you lose some, and you win again. You just show how it’s a never ending story like how Ali told everybody,” ani Thurman

Gaya ni Ali, may mga pagkakataon na natatalo si Pacquiao sa laban nito.

Ngunit hindi basta-basta sumusuko ang Pambansang Kamao. Matikas itong naka­kabalik sa porma upang maibalik ang ning­ning ng kanyang pangalan.

“I’m gonna show you how great I am, they knocked me down, they knocked me out, but I’m still gonna show you how great I am. That’s what Pacquiao did he lived the Ali life,” ani Thurman.

Si Thurman ang pinaka­huling tinalo ni Pacquiao noong nakaraang taon para masikwat ang World Boxing Association (WBA) welterweight crown.

Alam nito ang lakas ng kamao ni Pacquiao — ang bilis at bagsik na hindi nito nakita sa ibang boksi­ngerong nakalaban nito sa kanyang boxing career.

Hawak din ni Pacquiao ang karangalan ng pagmamay-ari ng walong titulo sa iba’t ibang dibisyon. Ito rin ang pinakamatandang world champion sa edad na 41. At naniniwala si Thurman na wala nang makagagawa nito.

Walang binatbat ang sinuman maging si Floyd Mayweather Jr. sa kabila ng pagiging undefeated boxer nito.

Show comments