Pinoy coach ang dapat humawak sa gilas—Douthit

Dumakdak si Marcus Douthit sa huli nitong laro sa Gilas Pilipinas.
File Photo

MANILA, Philippines — Bagama’t isa siyang American player ay mas gusto ni dating Gilas Pilipinas naturalized center Marcus Douthit na isang Filipino head coach ang humawak sa national team.

Ayon sa 40-anyos na 56th overall pick ng Los Angeles Lakers noong 2004 NBA Draft, mas isinasapuso ng isang Pinoy mentor ang kanyang trabaho sa national squad kumpara sa isang foreign coach.

“They going to get there, win, then move on to their next job, but a Filipino coach will always be there,” wika ni Douthit sa panayam ng “Extra Session” podcast. “There’s more passion from someone who’s from (the Philippines). It ain’t the same.”

Ang 6-foot-11 na si Douthit ay naging naturalized player ng Gilas Pilipinas noong 2011 sa ilalim ni Serbian coach Rajko Toroman para makatuwang nina Japeth Aguilar, Marcio Lassiter, JVee Casio, Dylan Ababou at Chris Tiu.

Miyembro si Douthit ng Gilas Pilipinas team ni coach Chot Reyes na kumuha ng silver medal noong 2013 FIBA-Asia Championship patungo sa paglalaro sa World Cup noong 2014 sa Spain kung saan siya pinalitan ni Andray Blatche.

Sinabi ni Douthit na ang pagiging team consultant lamang ng Gilas Pilipinas ang dapat ibigay na trabaho sa mga foreign coaches.

Wala pang inihahayag na pangalan ang Sam­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) bilang head coach ng Gilas kapalit ni Yeng Guiao na nagbitiw sa kanyang posis­yon noong Setyembre ng 2019.

Show comments