Pippen muntik ipalit kay McGrady dahil sa sigalot nila ni Krause

Ang mag-teammate na sina Michael Jordan at Scottie Pippen ng Chicago Bulls.
STAR/ File

CHICAGO -- Dahil sa galit niya kina head coach Phil Jackson, Michael Jordan at Scottie Pippen ay naisip ni dating head general manager Jerry Krause na buwagin ang Bulls team.

Ito ang isa sa mga itinampok sa ESPN documentary “The Last Dance.”

Inamin din ni dating Bulls coach Tim Floyd na siya ang nagpayo kay team owner Jerry Reinsdorf na huwag wasakin ang koponan matapos ang 1995-96 season.

“This is the most popular franchise of all time,” sabi ni Floyd kay Reinsdorf. “I said, ‘If I’m you, I would not do this. Not even the following year. Let it die a natural death because there are certain teams and players that you just don’t break up. I think these guys have earned the right to let it die its own death.”

Dismayado si Krause sa naging pamamahala ni Jackson kaya niya naisip na sirain ang tropa matapos ang 1995-96 season bukod pa sa sigalot nila ni Pippen.

Tinangka ni Krause na i-trade si Pippen kay Tracy McGrady, ang many-time All-Star, sa draft day noong 1997 na kinuha ng Toronto Raptors bilang No. 9 overall pick.

Ngunit hindi pumayag si Jordan na ipalit si Pippen kay McGrady.

Gusto naman ni Boston Celtics coach Rick Pitino na kunin sina Pippen at center Luc Longley kapalit ng kanilang No. 3 at 6  draft picks na hindi rin natuloy.

Sa ilalim ni Jackson ay nagkampeon ang Chicago noong 1996-97 at 1997-98.

Matapos ang 1997-98 season ay hinirang si Floyd bilang kapalit ni Jackson sa Bulls.

Napilitan si Floyd na panatilihin ang c­oaching staff ni Jackson para maipagpatuloy ang i­numpisahan nitong triangle offense -- subalit wala sina Jordan, Pippen at Dennis Rodman.

Inihatid ni Floyd ang Bulls sa 49-190 record sa kanyang three-plus seasons bago nagbitiw sa ika-25 games sa kanyang ikaapat na taon matapos ang 4-21 start.

Show comments