MANILA, Philippines — Tuluyan nang sinuspindi ng Philippine Badminton Association ang pagdaraos ng 2020 Badminton Asia Championships dahil sa coronavirus (COVID-19) pandemic.
Nauna nang itinakda ang torneo sa Wuhan, China bago ito inilipat sa Maynila sa Abril 21-26.
“The health, safety, and well-being of all athletes, their entourage, officials and the greater badminton community remain as the top priority,” ang official statement ng Badminton World Federation.
Ipinagpaliban din ang pagsasagawa ng Thomas and Uber Cup, European Championships, Pan Am Individual Championships, Croatian International at Peru International na mga qualifying events para sa 2020 Tokyo Olympics.
Napasakamay ng Philippine Badminton Association ang hosting ng singles Asian Championships matapos ang matagumpay na pamamahala sa 2020 Badminton Asia Team Championships noong Pebrero.