Kallos bagong coach ng Sarangani

MANILA, Philippines — Sa hangaring magandang kampanya sa susunod na season, kinuha ng Sarangani Province Marlins si John Kallos bilang bagong head coach para sa 2020 Chooks-to-Go Maharlika Pilipinas Basketball League.

Ang 36-anyos na si Kallos ang pumalit kay interim coach Manuel Torralba para sa Marlins na tumapos sa ika-15th puwesto sa 1-29 win-loss kartada sa MPBL Lakan Cup. Ang tanging panalo ng Sarangani ay sa Quezon City Capitals, 78-74, noong Nobyembre 27.

“I will build a team na trusted ko, build a good relationship with the players and always do your best and work hard,” pahayag ni Kallos.

Si Kallos ay ang dating head coach ng Caloocan Supremos kung saan inagat niya ang koponan sa ika-siyam na puwesto sa kanilang 16-14 win-loss slate pagkatapos ng elimination round.

“Siyempre, aalisin natin ung mga panget na gawain dati, we will put players and coaching staff na competent, mga hardworker at meron pagmamahal sa trabaho at loyal,” dagdag ni Kallos.

Sasandal si Kallos nina Jester Macabagdal, Maricon Rearte  at Gilbert Cole, ang kanyang pinagkatiwalaan na assistant sa Caloocan Supremos at Adamson Soaring Falcons.

Kasama rin sa line-up sina Cris Bautista, Andrew Belarmino, Chico Lanete at Marvin Hayes. Kabilang rin sa caching staff si Emman Romey.

“Kilala ko na kasi siya since PBL days dati sa Nutrilicios team, player siya ng brother ko [Monel Kallos] and he is a winner and a leader,” ayon kay Kallos ukol kay Lanete na kasama sa San Miguel Beermen na nanalo ng tatlong championships sa PBA.

Show comments