NSONU kampeon uli

MANILA, Philippines — Mananatili ang Nazareth School of National University bilang gold standard sa UAAP boys’ basketball matapos muling magkampeon sa ikalawang sunod na season.

Isa sa naging susi ng mga Bullpups ay si graduating big man Kevin Quiambao.

Humakot si Quiambao ng mga averages na 12.6 points, 9.7 rebounds, 1.9 assists at 1.4 blocks para pumuwesto sa Mythical Team.

Ang 6-foot-8 center ang hinirang na No. 1 player sa Chooks-to-Go SM-National Basketball Training Center (NBTC) 24 para sa UAAP high school player rankings.

Pumangalawa  si Jake Figueroa, ang runaway Season MVP na naghatid sa Adamson Baby Falcons sa semis.

Nasa No. 3 si Carl  Tamayo na hinirang na Finals MVP sa ikalawang sunod na taon.

Napasama naman sa Top Five sina Ateneo double-double machine Josh La­zaro at FEU-D super scorer Penny Estacio.

Ang iba pang kumum­pleto sa Top 10 ay sina FEU-D star Cholo Ano­nuevo, Terrence Fortea ng NS-NU at Fortshky Padrigao ng Ateneo.

Dahil sa COVID-19 pandemic ay ipinagpaliban ang pagdaraos ng Chooks-to-Go SM-NBTC League National Finals at ang annual All-Star Game.

Orihinal na itinakda sa Marso 21-27 sa SM Mall of Asia Arena, ang event ay itinataguyod ng Chooks-to-Go, SMART, Vivo, Darlington, Phoenix Fuels, Epson, Gatorade, Go for Gold at Molten.  Ito ay inilipat sa Abril 20-26 sa parehong venue.

Show comments