Paragua kampeon sa New York chessfest

MANILA, Philippines — Nasungkit ni Filipino Grandmaster Mark Paragua ang titulo sa Marshall Spring 2020 Grandmaster Norm Round Robin chess tournament na ginanap sa Marshall Chess Club sa Manhattan, New York.

Humantong sa split ang ninth round na laban ng 35-anyos na si Paragua laban kay GM Milos Perunovic ng Serbia para tumapos sa pitong puntos sa kanyang anim na panalo, dalawang tabla at isang talo para makamit ang korona.

Ang tinalo ng taga-Meycauayan, Bulacan na si Paragua ay sina International Master Alexander Kaliksh­teyn sa first round, Qibiao Wang sa third round, International Master Hans Nieman sa fifth round, Fide Master Joshua Colas sa sixth round at International Master Kevin Wang ng United States sa seventh round.

Nilampaso rin ng 1998 World Rapid Under-14 champion na si Paragua si International Master Kassa Korley ng Denmark sa eight round sapat para iuwi nito ang titulo.

Nakipaghatian din siya ng puntos kina Uzbek Grandmaster Djurabek Khamrakulov sa second round at GM Perunovic sa final round. Ang tangi niyang talo ay sa mga kamay ni American chess prodigy International Master Christopher Woonjin Jo sa fourth round.

Show comments