MANILA, Philippines — Kagaya ng inaasahan, yumuko si AJ Lim ng Pilipinas kay world no. 6 ranking Stefanos Tsitsipas ng Greece, 6-2, 6-1, kahapon sa unang singles match ng Davis Cup World Group II playoff tie sa Philippine Columbian Association Plaza Dilao clay courts sa Paco, Manila.
Binitiwan ng 6’4 na si Tsitsipas ang malalakas na crisp backhand at forehand para sa magaang na panalo laban sa 5’7 na si Lim na umabot lamang sa loob ng 53 minuto.
Ngunit, inamin naman ni Tsitsipas na hindi rin naging madali ang kanyang panalo dahil sa adjusments na kanyang ginawa bunga ng mainit na panahon upang iangat agad ang koponan ng Greece sa 1-0 bentahe.
“I had a difficult time adjusting to the court it felt like a sauna here. It’s hot, but I still found ways to adjust,” sabi ni Tsitsipas.
Sa panig naman ni Lim, parang na star-struck siya sa laro na ipinakita ng kalaban na tinalo na rin niya sa junior’s doubles match noong 2015.
“Unreal,” ayon kay Lim sa laro ni Tsitsipas.
Samantala, tinalo naman ni Petros Tsitsipas si Philippine No. 1 player Jeson Patrombon, 6-2, 6-1, sa ikalawang singles match para ibigay sa Greece ang 2-0 kalamangan.