4 teams unahan sa buwenamano

PBA D-league aspirants’ cup lalarga na

MANILA, Philippines — Simula na ang bakba­kan ngayong araw sa 2020 PBA D-League Aspirants’ Cup na sasambulat sa The Arena sa San Juan City.

Apat na koponan ang mag-uunahang maka­kuha ng buwenamanong panalo tampok ang Marinerong Pilipino na haharap sa Karate Kid-Centro Escolar University (CEU) sa alas-4 ng hapon.

Masisilayan din ang duwelo ng Wangs-Colegio de San Juan de Letran at Eco Oil-De La Salle University sa alas-2.

Pakay ng Skippers na makaresbak sa kumperensiyang ito matapos ang runner-up finish ng tropa sa Foundation Cup noong nakaraang taon.

Nagpalakas ang Marinero kung saan kinuha nito sina Fil-Am forward Jamie Malonzo, Gilas Pilipinas pool players Juan Gomez De Liaño at Javi Gomez De Liaño para makasama sina Alfred Batino, Jayboy Solis, Dhon Reverente at Allan Mangahas.

Aariba rin ang Karate Kid-CEU na hahawakan na ni dating Letran head coach Jeff Napa.

Ipaparada ng Scor­pions sina Rich Guinitaran, Franz Diaz, Jerome Santos Jerie Pingoy, David Murrell at John Apacible.

Show comments