Nagkakaisang pananaw ng mga coaches
MANILA, Philippines — Handang handa na ang walong koponan sa pagbubukas ng 2020 Philippine Superliga Grand Prix ngayong Pebrero 29 sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.
Bunga ng nangyaring pagbabago sa line-up ng nagdedepensang Petron Blaze Spikers--iisa ang kanilang sinasabi--lahat ay may tsansang mapalaban sa titulo.
Bukod kay dating head coach Shaq Delos Santos na pinalitan ni coach Emil Lontoc, kasama ring nawala sa Blaze Spikers sina Mika Reyes, Rhea Dimaculangan, Chloe Cortez, Carmela Tunay at Denden Lazaro.
Pumasok naman sina Filipino-Canadian playmaker Rebecca Rivera, Ging Balse, Roselle Baliton at Jem Gutierrez sa Blaze Spikers kasama ang mga datihang sina Aiza Maizo-Pontillas at Frances Molina at explosive import Katherine Bell.
“The team is a perennial title contender. This time, we will try our best to get back to the championship,” pahayag ni Lontoc sa press launch kahapon sa Eurotel sa Makati City.
“Of course, many are saying that we had a total revamp in the off-season. But I still believe in the system that we have. It all boils down to our execution,” dagdag ni Lontoc.
Nananatili ring intact ang roster ng F2 Logistics Cargo Movers na pangungunahan nina import Lindsay Stalzer, Aby Maraño, Dawn Macandili, Majoy Baron at Kianna Dy.
Ang bagong koponan na Chery Tiggo ay babanderahan naman nina Mylene Paat, Jasmine Nabor, Shaya Adorador, Elaine Kasilag, Rachel Anne Austero at Gyselle Sy kasama ang import na si Tatjana Bokan.
Sa Cignal ay kasama pa rin sina Rachel Anne Daquis, Jovelyn Gonzaga, Cherry Vivas, Fiola Ceballos at Alohi Robins-Hardy habang si Reyes, Bang Pineda, Djanel Cheng at import Shaina Josepha sa Sta. Lucia.
“We always say that Petron is the team-to-beat. Our mentality is always the same: To make it to the finals and get the championship. Still, this is a big opportunity and we will grab it,” ayon kay F2 Logistics coach Noel Orcullo.
Ang iba pang kasaling koponan ay ang Marinerang Pilipina, PLDT Home Fibr at Generika-Ayala.