MANILA, Philippines — Asahan ang mas mabagsik na Gilas Pilipinas sa oras na makaharap nito ang Indonesia sa 2021 FIBA Asian Cup qualifiers na lalaruin sa Pebrero 23 sa Britama Arena sa Jakarta, Indonesia.
Dismayado si Gilas Pilipinas interim head coach Mark Dickel sa pagkakaantala ng laban ng Pilipinas at Thailand sa opening game ng Asian qualifiers dahil sa coronavirus outbreak.
Ngunit tanggap nito ang desisyon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas at FIBA Asia dahil kapakanan lamang ng mga players, coaches, officials at mga mamamayan ang nais nito.
Magandang pagkakataon din ito para mas lalo pang maging mabangis ang kanyang tropa dahil may sapat na panahon ito upang makapag-ensayo at makabuo ng chemistry.
“I think it’s a good thing, you get more time to really have everybody understand what their roles are, what is expected and what they’re gonna do out there,” ani Dickel.
Mahabang panahon pa ang daraan kaya’t inaasahang gigil na manakmal ang Gilas Pilipinas sa oras na tumuntong ito sa court.
“Any time you get more days to do that, the games are gonna look better so. I’m happy about it. We get two or three more days to prepare so we just gotta take advantage of those days,” ani Dickel.
Bagong pasok pa lang sa Gilas Pilipinas pool ang ilang manlalaro gaya nina Vic Manuel, Abu Tratter at Javee Mocon na hu-malili kina Christian Standhardinger, Japeth Aguilar, Matthew Wright at Mac Belo na may kani-kanilang kadahilanan.
Magandang pagkakataon ang mahabang panahon na ensayo para mas maging solido ang galaw ng Gilas Pilipinas
“Whenever that game is, we’ll definitely be ready. We’re not gonna be unprepared coming into any of these games,” deklara ni Dickel.