MANILA, Philippines — Tuluyan nang inangkin ng Pampanga Giant Lanterns ang ika-apat na puwesto sa Northern Division matapos ilampaso ang Pasig-Sta. Lucia Realtors, 71-62, sa pagpapatuloy ng 2019-2020 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL)-Chooks-to-Go Lakan Cup elimination round sa Bataan People’s Center sa Balanga, Bataan.
Tabla pa ang iskor, 49-49, pagkatapos ng tatlong yugto, ngunit humataw si Levi Hernandez ng walong puntos habang umiskor ng tig-apat na puntos sina Michael Juico at Reil Cervantez sa huling yugto para umangat sa 21-9 win-loss kartada at tumapos sa fourth spot makaraan ang kanilang elimination round assignment.
Sa panalo ng Giant Lanterns naungusan nila ang Bataan Risers (20-10) sa 4th spot kaya tangay ng Pampanga ang homecourt advantage kontra sa Bataan o Bulacan sa 8-team playoff round.
Ang Bataan Risers ay tumapos sa ika-limang puwesto sa North group nang igupo ang Marikina Shoemasters, 82-76, para masungkit ang ika-20th panalo sa 30 laro.
Sa ibang laro, tinalo Cebu City Sharks ang Parañaque Patriots, 79-70 para manatiling buhay ang tsansa.