INDIANAPOLIS -- Humataw si forward Kristaps Porzingis ng 38 points at humakot ng 12 rebounds para tulungan ang Dallas Mavericks sa 112-103 paggupo sa Indiana Pacers.
Nagsalpak si Porzingis ng anim na 3-pointers at may perpektong 12-of-12 sa free throw line para sa Dallas na naglaro na wala si injured All-Star Luka Doncic (ankle) sa ikatlong sunod na pagkakataon.
Tumipa si Tim Hardaway Jr. ng 25 points para sa Mavericks.
Nagposte naman si Domantas Sabonis ng 26 points, 12 rebounds at 9 assists para pagbidahan ang Pacers, nakahugot kay Malcolm Brogdon ng 14 points.
Ang three-point play ni Sabonis ang nagdikit sa Indiana sa 93-96 sa huling 5:09 minuto ng fourth quarter kasunod ang dalawang free throws ni Porzingis para ilayo ang Dallas sa 110-103 sa natitirang 32 segundo.
Sa Los Angheles, nag-lista si Kawhi Leonard ng 22 points habang may 19 markers si Paul George para sa 108-105 paglusot ng Clippers kontra sa San Antonio Spurs.
Ang one-handed dunk ni Leonard ang nagbigay sa Los Angeles ng two-point lead sa huling 1:35 minuto ng fourth period matapos bumangon mula sa 15-point deficit.
Sa Miami, kumamada si Jimmy Butler ng season-high 38 points at nagpasabog ang Heat ng franchise-record 81 points sa second half para gibain ang Philadelphia 76ers, 137-106.
Nagdagdag si Goran Dragic ng 24 points para sa Miami habang may 19 markers si Duncan Robinson.