Para kay Bradley
MANILA, Philippines — Walang iba kundi si reigining World Boxing Association (WBA) welterweight champion Manny Pacquiao ang nararapat sa Fighter of the Decade award.
Ito ang mariing inihayag ni dating World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Timothy Bradley na makailang ulit nang naramdaman ang lakas ni Pacquiao.
Kabisado ni Bradley ang kalidad ni Pacquiao dahil tatlong beses nitong nakalaban ang Pinoy champion.
Nanaig si Bradley sa kanilang unang laban noong 2012 via split decision bago makuha ni Pacquiao ang parehong unanimous decision win noong 2014 at 2016.
“He took over in the late rounds of the second fight and hit me with a different type of power in the third fight. He was just more cerebral, a different Pacquiao in the rematches,” ani Bradley sa panayam ng ESPN.
Tinukoy ni Bradley si Pacquiao na isa sa pinakamahuhusay sa mundo.
Isang boksingerong tunay na magandang halimbawa sa nakalipas na dekada.
Legendary ika nga.
“Pacquiao is definitely a top-five all-time fighter. If he’s top-five of all time, he’s definitely a fighter who defined this decade. He is a legend since he first stepped foot into a ring in 1995, and he is one of the most gifted athletes I’ve ever been in the ring with,” ani Bradley.
Ikinuwento ni Bradley ang kakaibang estilo ni Pacquiao na hindi nito nakita sa ibang boksingerong kanyang nakaharap.
“His B and C games are better than a lot of guys’ A games,” ani Bradley.
Nagwagi si Pacquiao ng 12 titulo sa walong magkakaibang dibisyon.
Humakot ito ng limpak limpak na salapi sa gate receipts at pay-per-view.
Minahal ang Pinoy hero ng buong mundo.
Kaya’t maituturing na si Pacquiao ang mukha ng boksing hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.
“When you think about boxing, you think about Manny Pacquiao. I love him as a fighter, and I love his courage in the ring. Pacquiao was always willing to fight guys in their primes. It’s rare that a fighter actually wants to fight the best out there,” ani Bradley.