MANILA, Philippines — Sinabayan ng Phi-lippine Arnis team ang nakaraang pananalasa ng bagyong Tisoy sa pagpapamalas ng impresibong performances upang dominahin ang kompetisyon at tangha-ling overall champion ng naturang sport sa kasalukuyang 30th Southeast Asian Games.
Limang gold ang kinuha ng mga Pinoy na arnisador sa unang araw ng kompetisyuon noong Linggo, pito sa ikalawang araw at dalawa sa pagtatapos ng aksiyon kamakalawa para sa kabuuang 14-golds bukod pa sa anim na silvers at dalawang bronzes mula sa 20 events na pinaglabanan, para tanghaling overall champion ng naturang sport.
Sinimulan ni Delxer Bolambao ang paghahakot ng gold sa kanyang panalo sa men’s bantamweight division ng livestick event bukod pa kina Niño Mark Talledo (featherweight), Villardo Cunamay (lightweight) at Mike Bañares (welterweight).
Sumunod namang nanalo ng gold medal sina Jezebel Morcillo (bantamweight) sa wo-men’s livestick.
Dinomina rin ng mga Pinay ang women’s padded stick matapos ang panalo nina Sheena Del Monte (bantamweight), Jedah Mae Soriano (featherweight), Ross Ashley Monville (lightweight) at Abegail Abad (welterweight).
Kumopo naman ng tig-isang ginto sa non-traditional individual sina Crisamuel Delfin at Mary Allin Aldeguer para kumpletuhin ang dominasyon.
Ang produksiyon ng koponan ay higit ng dalawang ginto sa prediksiyon ng asosasyon na 12-golds na isang magandang pagbabalik ng Pinas sa SEAG arnis na huling idinaos noong 2005 kung saan tatlong gold lang ang nakuha ng Pinoy arnis warriors.
Matapos makumpleto ang dominasyon sa kumpetisyon, dadalhin ni president of the Phi-lippine Eskrima Kali Arnis Federation Miguel “Migz” Zubiri ang mga players at coaches sa Hongkong Disneyland bilang pasasalamat sa kanilang nakamit na tagumpay.
“We really prepared for this, sila ang best of the best. Ginawa namin we had Luzon, Visayas, Mindanao championships, pinaglaban laban po namin ‘yan para mapili ang mga athletes natin,” ani Zubiri.
Para kay Zubiri, tinanghal na arnis world champion noong 1989 sa lightweight division, may isang mahala-gang sangkap na susi sa tagumpay.
“Focus lang talaga, in winning tournaments and it’s been my exepreince.” ani Zubiri.