MANILA, Philippines — Kinilala ng Sports Industry Awards Asia ang Philippine Southeast Asia Games Organizing Committee (Phisgoc) dahil sa matagumpay nitong pag-oorganisa sa pinakamatagumpay na edisyon ng SEA Games.
Pinahalagahan ng SPIA Asia ang ginawang world class opening ceremonies ng Phisgoc pati na ang pag-oorganisa sa 56 sports at 530 events.
Personal na ibinigay ni SPIA CEO Eric Gottschalk ang award kina Phisgoc chairman Alan Peter Cayetano at Chief Operating Officer Ramon Suzara sa Grand Hyatt Hotel.
Pinasalamatan ni Suzara ang SPIA at sinabing ang nasabing rekognisyon ang kanilang magiging inspirasyon para lalo pang pagbutihin ang trabaho nila sa mga susunod na araw ng biennial meet.
Ang SPIA Asia Awards ang naging most credible awards platform sa Asya dahil sa kanilang pag-focus sa pagpapahalaga at pagdiriwang sa tagumpay ng Asian Sports Industry sa nakalipas na mga taon.
Bilang nangungunang sports business conference at awards platform, kinikilala ng SPIA Asia ang Asia’s Top 10 sa 25 distinct awards categories.
Kasama rito ang Asia’s Best Sportsman at Asia’s Best Sports Woman category na may Gold, Silver at Bronze award para sa mga best performers.