MANILA, Philippines — Nalampasan nina Philippine bets Merwin Tan at Krizziah Tabora ang 24-game qualifying series para manatili sa kontensyon ng 2019 Bowling World Cup men’s and ladies’ international finals sa Palembang, Indonesia.
Nagsumite si Tan ng 1214 sa six games para upuan ang No. 21 seat sa men’s division bitbit ang 24-game total na 4791 pinfalls.
Umiskor naman si Tabora, ang world champion noong 2017 sa Hermosillo, Mexico, ng 1041 sa six games para sa 24-game aggregate na 4560 at pumuwesto sa No. 19 spot sa ladies’ event.
Nagpagulong si Tan ng 236, 202, 179, 167, 246 at 184 sa ikaapat niyang six-game series, habang may 177, 192, 168, 166, 177 at 161 si Tabora.
Ang 24 men at 24 lady qualifiers ay muling sasabak sa eight games na may bonus points na magdedetermina sa apat na male at apat na female performers na papasok sa stage 4.