Anyare?

MANILA,Philippines — Parang walang pinagsamahan.

Ganyan na nga ang naiisip ko matapos sumingaw ang balita na nagkasapukan sa San Miguel Beer team practice.

Sila-sila ang nagsuntukan.

Ayon sa report na mabuti naman eh hindi police report, nagkainitan sa ensayo ang import na si Dez Wells at si Arwind Santos.

Umentra naman si Ronald Tubid at sinuntok si Wells. Sumali na rin si Kelly Nabong at sinuntok si Tubid.

Wow!

Ano ba ang nakain ng mga ‘to para sila-sila ang mag-away?

Tsk, tsk, tsk.

Ewan ko pano aayusin ni coach Leo Austria ang sitwasyon.

Ibang klase kasi kung mga players mo ang nag-away-away.

Siguradong makakarinig din sila o makakatikim ng mura kay Alfrancis Chua, ang hepe ng SMB sports.

At ewan ko rin bakit sangkot na naman si Arwind na dati na rin napasabak sa sarili nilang import.

Nakakahiya.

Show comments