MANILA,Philippines — Bukod sa pagtatala ng kanilang pang-walong sunod na panalo ay mapapasakamay din ng Tropang Texters ang isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinal round.
Ito ang layunin ng TNT Katropa sa kanilang pagsagupa sa mapanganib na NLEX sa 2019 PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Dumiretso ang Tropang Texters sa kanilang pang-pitong dikit na ratsada matapos lusutan ang Alaska Aces (1-6) sa overtime, 99-93, tampok ang 37 points, 13 rebounds at 6 blocks ni import KJ McDaniels noong nakaraang Biyernes.
“We just have to stay together defensively, keep talking to each other through our breakdowns and we’ll get better,” sabi ni McDaniels.
Sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon ay magtutuos naman ang Columbian at Phoenix (2-5) para magpalakas ng tsansa sa quarterfinals.
Ipaparada ng Fuel Masters si Lonzo Gee bilang kapalit ni Eugene Phelps.
Samantala, ibinigay ng Blackwater (2-5) sina Allein Maliksi at Raymar Jose sa Meralco (4-2) kapalit nina Mike Tolomia at Niño ‘KG’ Canaleta.
Nauna nang dinala ng Elite si Mike DiGgregorio sa Tropang Texters para makuha si Brian Heruela.