Poligrates may laban sa MVP

MANILA, Philippines — Bumabandera si Eloy Poligrates ng Marinerong Pilipino sa MVP race ng PBA D-League Foundation Cup.

Nagtala si Poligrates ng average na 21.0 puntos tampok ang impresibong 30 percent shooting sa three-point area habang mayroon din itong 3.1 rebounds, 3.0 assists at 1.6 steals per game.

Si Poligrates ang isa sa mga dahilan para masungkit ng Skippers ang 8-0 rekord sapul noong eliminasyon.

Magugunitang nagtala si Poligrates ng league record na most points scored nang magsalpak ito ng 67 points sa 141-97 panalo ng Marinerong Pilipino sa iWalk noong Agosto 26.

Pasok din sa MVP race sina Joshua Fontanilla ng BRT Sumisip Basilan-St. Clare College at Rich Guinitaran ng Aspirants’ Cup runner-up CEU.

 Magsisimula ang best-of-three championship series ng Skippers at Saints bukas sa Ynares Sports Arena.

Show comments