Asia’s Lashes, Hyperwash puntirya ang quarterfinals slot

MANILA, Philippines — Pagkakataon naman ng Asia’s Lashes at Hyperwash na humirit ng puwesto sa quarterfinals sa pagharap sa magkaibang karibal ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Makakatipan ng Soldiers (3-2) ang iWalk (2-3) sa ala-1:30 ng hapon sa Group A habang aariba naman ang Vipers (2-3) kontra sa Italiano’s Homme (1-3) sa alas-5:30 sa Group B.

Puntirya ng Asia’s La­shes na sundan ang ka-nilang 108-98 panalo sa Hazchem noong Agosto 26.

Kung mananalo sa iWalk, awtomatikong ma-kukuha ng Soldiers ang ikatlong playoff spot sa Group A.

“We’re ready for where we will end up. But it’s still a must-win game for us,” ani Soldiers head coach Alvin Grey na aasahan sina dating University of the East standout James Martinez, Francis Camacho at Adrian Celada.

Ngunit lalaban ang iWalk na nais ding patatagin ang kanilang tsansa sa playoffs.

Lalarga rin ang bakba-kan ng AMA Online Education (2-3) at Hazchem (1-4) sa alas-3:30  kung saan pakay ng Titans na pa-lakasin ang pag-asa nito sa playoffs sa Group A.

Show comments