MANILA, Philippines — Dalawang international tournament ang itinakda ng Philippine Soft Tennis Association (PSTA) bago ang pagdaraos ng 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre.
Kabuuang 300 athletes mula sa 12 bansa ang lalahok sa 1st Asian Junior Soft Tennis Championship sa Agosto 26-30 at sa 1st Asian University Soft Tennis Championship sa Setyembre 1-3 sa Colegio San Agustin Tennis Court.
Paparada ang mga pinakamahuhusay na soft netters mula sa China, Japan, South Korea, Democratic People’s of Korea, Mongolia, Nepal, Chinese Taipei, Thailand, Cambodia, Malaysia, Indonesia at Laos sa naturang nine-day event.
Pinasalamatan ni PSTA president Jeff Tamayo ang Asian Soft Tennis Federation (ASTF) sa pagbibigay sa bansa ng nasabing dalawang major international tournament.
Pinahalagahan din ni Tamayo ang suporta ng DepEd, Philippine Olympic Committee, NCAA, PSTA officers at University of Perpetual Help System Dalta.