MANILA, Philippines — Dahil sa nalasap na Grade Two MCL sprain sa kaliwang tuhod ay hindi na makakasama si Marcio Lassiter sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup sa China.
“It’s just really unfortunate that I can’t be there. There’s always that next window,” wika ni Lassiter ng San Miguel.
Dahil sa pagkawala ni Lassiter sa Nationals ay aasahan na lamang ni head coach Yeng Guiao sina Matthew Wright, RR Pogoy at Troy Rosario.
Nakatakdang harapin ng Gilas Pilipinas ang bisitang Adelaide 36ers sa goodwaill game ngayong gabi sa isang closed door game sa Meralco Gym at muling maghaharap sa Linggo.