MANILA, Philippines — Hindi pa ito ang huling pagkakataon na makikita si Terrence Jones sa PBA.
Sa kanyang Twitter account ay tiniyak ng Best Import na babalik siya sa PBA para maglarong muli sa TNT Katropa.
“Grateful 4 the incredible experience @tntkatropa_ph THANK YOU to the fans, my teammates & the entire TNT organization. Loved being in the Philippines, loved the people and y’all as a country! I’ll be back!!,” ani Jones.
Nabigo si Jones na maibigay sa Tropang Texters ang korona nang matalo sa San Miguel Beermen, 2-4, sa 2019 PBA Commissioner’s Cup Finals.
Naglaro si Jones ng pitong seasons sa NBA para sa Houston Rockets, New Orleans Pelican at Milwaukee Bucks.