Chiefs sumuko sa Blazers

Laro sa Biyernes(FilOil Flying V Arena)

8 a.m. UPHSD vs SBU (Jrs)

10 a.m. JRU vs MU  (Jrs)

12nn UPHSD  vs  SBU (Srs)

2 p.m. JRU  vs  MU  (Srs)

4 p.m. CSB  vs  LPU (Srs)

6 p.m.- CSB  vs LPU (Jrs)

MANILA, Philippines — Pinalawak ng St. Benilde Blazers ang winning streak sa lima nang patumbahin ang Arellano Chiefs, 82-77 kahapon upang mu­ling umangat sa sosyohan sa liderato sa Season 95 NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Nagawa lamang ng Chiefs na dumikit sa first half, 35-34 ngunit nang simulan nina Cameroonian Clement Leutcheu, Robi Nayve, Yankie Haruna at Unique Naboa ang run-and-gun rampage tuluyan nang lumayo ang tropa ni coach TY Tang.

Umani si Leutcheu ng 13 puntos sa 5-of-7 shooting sa field goal na may kasamang pitong rebounds at tatlong assists upang saluhan  sa top spot ang three-peat champion San Beda Red Lions sa parehong kartada (5-0).

Sa iba pang laro, nasungkit ng Mapua ang ikalawang sunod na pa­nalo matapos padapain ang Emilio Aguinaldo, 76-66 para umakyat sa solo 8th spot sa 2-5 record. Ang EAC ay nabaon sa ilalim ng standing sa 1-6 slate.

Samantala sa Junior’s division, nilampaso ng Mapua Red Robins ang Emilio Aguinaldo Brigadiers, 83-68 habang nagwagi rin ang CSB-LSGH Greenies sa ArellanoBraves, 71-66.

Show comments