MANILA, Philippines — Matapos ang nakakabilib na first-leg victory at pupuntiryahin naman ng Real Gold ang ikalawang panalo sa Philippine Racing Commission 2019 Triple Crown series bukas sa Saddle and Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite.
Itinakbo ng Real Gold ang panalo sa una sa tatlong karera ng Triple Crown series para sa mga kabayong may edad na 3-anyos.
Pinakain ng Real Gold ng alikabok ang eight-horse 1st-leg field na tinatampukan ng undefeated at overwhelming favorite na Obra Maestra sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite noong Mayo.
“Real Gold set the bar high in the first leg,” sabi ni Philracom Chairman Andrew Sanchez.
Makakatapat ng C&H Enterprise-owned Real Gold sa second leg ang mga karibal na Best Regards (jockey CP Henson, owner Peter Aguila), Boss Emong (Dan Camanero, Edward Vincent Diokno), Jayz (JA Guce, SC Stockfarm), Phenomenal (JB Guce, Enrique Javier), Shanghai Noon (OP Cortez, Emmanuel Santos) at Toy For The Big Boy (JB Cordova, Alfredo Santos).
Tatargetin din ng seven-horse field ang top purse na P1.8 milyon mula sa total purse na P3 milyon na inilatag ng Philracom sa nasabing 1,800-meter race.
Matatanggap naman ng breeder ng winning horse ang premyong P100,000.
Ang second leg ng 2019 Philracom Hopeful Stakes Race na itatakbo sa 1,800 meters ay magtatampok sa 10-horse field sa pangunguna ng coupled entries na JLO (jockey JA Guce) at Mood Swing (MM Gonzales), ng SC Stockholm at hahangarin ang P600,000 top prize mula sa total purse na P1 milyon.
Tatakbo rin sa Hopeful Stakes race ang Harapin ang Bukas (jockey JB Hernandez, owner Benjamin Abalos Jr.), My Jopay (Pat R Dilema, Moises Villasenor), Serafina (MB Pilapil, Peter Aguila), Skyscraper (RA Base, Leonardo M. Javier Jr.), Suburbia (OP Cortez, Joseph Dyhengco), The Accountant (CP Henson, Luis Aguila), Two Timer (JA Guce, Melaine Habla) at Viscerion (RC Baldonido, James Albert Dichaves).