Laro Bukas (Ynares Sports Arena, Pasig)
4 p.m. Cignal-Ateneo vs CEU
MANILA, Philippines — Inilabas ng Centro Escolar University ang kamandag nito matapos iselyo ang 77-74 panalo laban sa Cignal-Ateneo de Manila University sa Game 2 ng 2019 PBA D-League best-of-five championship series kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Nagpasiklab ng husto si Jerome Santos nang magtala ito ng 28 puntos, 10 rebounds at tatlong assists upang pamunuan ang seven-man Scorpions na maitabla ang serye sa 1-1.
“I think we’re able to redeem ourselves today. We’re able to show up in the championship game. What I told my players is more on motivation. I told them to believe in themselves, that we can be in the same league in Ateneo. I’m just happy to see the fight and us competing in this game,” ani Scorpions mentor coach Derrick Pumaren.
Naging mainit din si Senegalese slotman Maodo Malick Diouf na humakot ng 23 markers, 16 boards, apat na steals, dalawang blcoks at dalawang assists gayundin si Rich Guinitaran na naglista naman ng 13 puntos, dalawang assists at dalawang blocks para buhayin ang Cinderella run ng Scorpions.
Nagdagdag naman si Franz Diaz ng walong puntos samantalang may pinagsamang limang puntos sina Dave Bernabe, Joshua Abastillas at Kurt Sunga.
Bigo ang Blue Eagles na maduplika ang kanilang 101-66 demolisyon sa Scorpions sa Game 1 noong nakaraang linggo.