Cruz, Guiao magsasama uli

Si Guiao ang pumili kay Cruz, dating kamador ng Adamson University Falcons sa UAAP, bilang 9th overall pick noong 2014 PBA Rookie Draft.

MANILA, Philippines — May bago na namang koponan si guard Jericho Cruz.

Ito ay matapos aprubahan kahapon ng PBA Commissioner’s Office ang three-way trade na kinasasangkutan ng TNT Katropa, NLEX at NorthPort.

Ibinigay ng Tropang Texters si Cruz sa Road Warriors kung saan niya muling makakasama si head coach Yeng Guiao matapos sa Rain or Shine Elasto Painters.

Si Guiao ang pumili kay Cruz, dating kamador ng Adamson University Falcons sa UAAP, bilang 9th overall pick noong 2014 PBA Rookie Draft.

“He’s a dynamic player who can create his own shot and penetrate—that’s what we need. His excitement is something I look forward to him showing on the court,” sabi ni Road Warriors assistant coach Jojo Lastimosa kay Cruz.

Sa naging galawan sa trade, unang napasakamay ng NLEX ang second-round pick ng NorthPort para sa 2020 Rookie Draft kapalit ni Marion Magat.

Dinala naman ng Batang Pier ang 6-foot-6 na si Magat kasama ang kanilang 2021 at 2022 second-round picks sa Tropang Texters para mahugot si Cruz sabit si 6’6 Michael Miranda.

Nakumpleto ang nasabing three-team trade makaraang masambot ng NLEX si Cruz buhat sa NorthPort kapalit ng kanilang second-round picks sa 2019 at 2020 Rookie Draft.      

Show comments